Lunes. Hindi ako pumasok sa Philo class ko sa kadahilanang ang lakas ng ulan samin. Ahm. Err. Sa totoo lang, noong mga oras na kailangan ko ng pumasok ay hindi na umuulan pero dahil tinatamad na talaga ako, hindi na ko pumasok. Haha. Tumambay lang ako dito samin. Tapos. Dapat aattend na ko ng symposium namin tungkol sa Personality Development eh. Kaso lang nahikayat ako ng aking kaibigan na wag ng umattend noon at pumunta na lang sakanila. Tsk tsk. BI. Haha. Kaya aun, hindi na ko pumasok. Pinapunta niya ako sa Magallanes kasi sabi niya dun niya daw ako susunduin. Pinaghintay niya ko dun ng tatlumpong minuto. Nakatambay lang ako sa overpass doon. Hehe. Para akong nagpapakasenti. Basta. Kung makikita n'yo lang ang itsura ko ng mga oras na yun. Ang lamig pa man din at napakamahangin nun. Haha. Basta. Edi aun nga. Dumating na ang kaibigan ko kasama ang ate niya at ang isa pa naming kaibigan. Pumunta kami sa Air Base, kung yun nga ang tawag dun, at pinuntahan yung best friend niya. Nanghiram sila ng drum set. Tas umalis na kami. May pinuntahan pa kaming isa pang lugar at nanghiram naman sila ng amplifier. Aun. Noong nakarating na kami sa kanila, pumunta ako sa pinakapaborito kong lugar sa bahay nila. Ang kanilang sofa. Haha. At nahiga doon. Nanood na rin ako ng telebisyon. Kaso lang, hindi ko marinig yung pinapanood ko kasi nagbaband practice sila. Nagkukunwari na lang ako na naiintindihan ko yung pinapanood ko. Haha. Aun. Tas noong tapos na sila magpractice, nagpunta kami sa Frio Mixx para kumain. Tas bumalik sa kanila. Tas naglaro ng pusoy dos. Haha. Natalo lang ako ng isang beses. Haha. Ansaya. Tapos nun. Umuwi na ko. Hinatid nila ko sa sakayan tas aun.
Martes. Pagkatapos ng klase namin, nagpunta uli ako sa bahay nila. Pero sa pagkakataong ito, kasama ko na si Jazzy kasi pupunta rin doon yung boyfriend niya. Aun. Pagkarating namin doon, tumangla lang kami at pinanood silang magensayo. Tapos umalis yung dalawa naming kaibigan kasi kukuha pa sila ng exam sa paaralan nila. Aun. Wala lang. Nagkwentuhan at naglokohan lang kami dun. Para kaming mga ewan. Haha. Tapos. Bumalik na yung kaibigan namin na kumuha ng test. Yung isa na lang yung bumalik sa kanila kasi umuwi na daw yung isa. Naglaro uli kami ng pusoy dos. Haha. Sa pagkakataong ito, may parusa na. Kung sinong matatalo, iinom ng isang baso ng tubig. Haha. Isang beses lang uli ako natalo! Haha. At proud ako dun dahil mas marami silang nainom na tubig kaysa sakin. Haha. Kaya aun. Napagdesisyunan na namin umuwi pagkatpos noon at hinatid kami ni ate. At ang lakas ng trip ng mga kaibigan ko. Hinatid nila ko sa bahay namin. Haha. Ansaya. Libre pamasahe. Haha. Tapos, sa bahay namin natulog si Jazzy. Haha. Kasi hinikayat ko siya. Haha. Aun. Basta. Natuwa ako ng sobra dahil hinatid nila ko hanggang samin. Haha.
Miyerkules. Nagpunta kami sa glorietta. At naggala doon. Aun lang. Ayoko na ikwento yung buong detalye. Haha.
Huwebes. Ngayon iyon. Wala lang. Hindi ako naggala. Haha. Umuwi na kaagad ako samin pagkatapos ng klase ko. Haha.
Aun. Wala lang. Haha. Baka bumalik nanaman ako sa bahay ng kaibigan ko bukas. Pangalawang bahay ko na yun eh. Haha.
Here's a quote that Lala made:
I follow this street...
That leads to this walk...
That stops at this door...
That holds you...
Who holds me...
And I'm home. ♥
No comments:
Post a Comment