ang entry na to ay isang kabangagan. minumungkahi kong basahin nyo ito kung kayo ay walang magawa at kapareho kong sabog/bangag. lol. :p
ako ay malungkot. for some reasons, i'm so lonely. because. anu. something's not right with me. totally not right. things are not happening the way i want to be. hindi naman lahat. yung iba lang. katulad ng ako ay grounded. oo. grounded ako. dahil bad girl "daw" ako. lol. aun. hindi tuloy ako makalabas ng bahay namin. maghapon lang tuloy ako nakaharap sa monitor at sa aming tv. gustong gusto ko pa naman lumabas sa aming bahay at maarawan man lang. pero hindi. hindi iyon maaari. gusto ko pa naman iexplore ang world. makakita ng ibang environment. at lahat. lol. ayos lang. ganun talaga ang buhay. next week pa ko makakalabas kasi pupunta na ako sa aming tahanan dun sa lugar na puno ng ingay, usok at pupu ng domestic animals also known as manila. aun. lol.
isa pang lungkot. kasi hindi ako makagawa ng paraan para magkaron kami ng communication. kung sinuman yun. kasi kinuha ang aking selepono. makukuha ko lang yun sa hunyo. sa pasukan. aun. kalungkot talaga. alam n'yo yun?! lol. aun. asar nga eh. ampupu pa. hindi siya nagool. nagool naman pala. kaso lang eh wrong timing. dahil aalis na ko pag nagool siya o kaya naman ay siya ang aalis. ayos diba? haii. aun. basta. malungkot. sa sabado ako ay magkakaron ng selepono thru my brother which will be coming back home from manila. kasi may pasok siya. sa dlsu siya kasi napasok. aun.
saya. dahil sa maghapon ako nakatungaga sa harap ng pc ay marame akong natutunan na kung anu-ano at marami akong nakitang site na aking kinaaliwan kahit pano. kahit pano naman ay sumaya ako diba. lol. aun. marami rin akong nadownload na mga kanta dahil nga sa wala akong magawa at sa maghapong pagharap sa pc namin. ayos! haha. naayos ko na rin ang aking winamp player. ngayon ay dun na ule ako nagpapatutugtog ng mga kanta na lubos kong ikinasiya. lol. aun.
bago na ang friendster. may changes. pwede na idisplay ang last name at nagbago ng format ang home. marami idinagdag. kaso lang. kanina. antagal bago ako nakapunta sa home. ambulok. lol. ayoko pa naman idisplay ang aking last name. lol. pero napilitan akong pindutin ang "yes, put my last name" para lamang makapasok sa home. lol. pero binago ko rin ang settings at nilagay ko sa "no" ang pagdidisplay sa last name. ayoko ikalat sa mundo ang aking last name eh, bakit ba? lol. at dun sa bagong friendster ay may hotties section! anu kaya yun? ano naman ang pakelam ko sa mga taong yun. hinid ko naman sila kilala. lol. kung anu anong kaechosan ang dinagdag ng friendster sa home na hindi ko masyadong nagustuhan. haha. ito po ay opinyon ko lamang. opinyo ng isang tao. lahat po ay may kanya kanyang opinyon. kung may naoffend man. pasensya na. lol.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment