masaya ang week na to. pero medyo boring rin. basta. tinamu na lang.
monday ~~> bumili kami ng aking blockmates ng pichi-pichi, yung makukulay na ewan ko na kinakain, at ng kutchinta sa bazaar sa school. kinain namin yun habang nag-aaral para sa test namin sa theology. pagkatapos. uwian na. pero hindi kami nakauwi kaagad dahil may sports clinic daw ng 4:30pm kami. tsk tsk. gumuho ang pangarap ko na makauwi ng maaga at makatulog. potak. puyat ako nun eh! aun. pumunta na lang kami ng blockmates ko sa munch 'n gulp at kumain. tapos nung pabalik na kami sa paaralan ay nakasalubong namin si dianna at sumama siya samin. nanood kami sa avc. pinagpatuloy namin ang panonood ng shall we dance. aun. nagenjoy naman ako sa panonood. haha. pagkatapos naming manood ay pumunta na kami sa sports clinic at nalungkot ako nung hindi ko makita ang mga kasama ko para sa tug of war. yun kasi ang event ko para sa intrams namin. tsk tsk. nalungkot talaga ako nun. naghintay lang ako sa wala. kaya aun. nagpahatid na lang ako kay justine hanggang sa sakayan ng fx at umuwi. haii. nadepress ako nun. bobo.
tuesday ~~> dito lang ako nasiyahan eh. hindi ako pumasok sa comm arts. haha. dahil sa tinatamad akong pumasok sa klaseng yun. lol. hindi rin pumasok si setti dahil masama ang pakiramdam niya. kumain na lang kami sa chowking at nagdate. nagenjoy ako. dahil nakadate at nakakwentuhan ko si setti. hindi naman kasi kami nagkaka one-on-one nun dahil lagi kaming may kasama. haha. kaya aun. nagenjoy ako nun nagkasama kaming dalawa. aun. kung anu-ano ang napagusapan namin. basta. masyado naman personal kung isasali ko pa diba. haha. aun. hinatid niya ko sa sakayan pagkatapos naming magdate.
wednesday ~~> potak. ginawa akong leader sa taebo! lintek. basta. aun. napagod ako. sobra. basta. ayoko ikwento. hehe. bigla pala ako sinali sa event na kickball. aun. nagmeeting kami sa org namin pagkatapos ng pe class namin. tapos. muntik nanaman ako hindi pumasok sa comm arts. pinigilan lang ako ngmga blockmate ko. haha. kaya pumasok na ako. pagkatapos ng klase namin doon ay pumunta kami ni marcy at setti sa cyberfriendens. bagong bukas lang kasi yun. potak. ambagal ng pc! kalungkot. walang kwenta eh. kaya umalis din kami agad at kumain sa chowking. masaya! tawa kami ng tawa dun. pinagtitinginan na nga kami ng mga tao eh. haha. basta. masaya.
thursday ~~> unang araw ng intrams. boring. sumigaw kami ng cheer ng pink team/psychology team. kami kasi yung nasa unahan ng pila para sa parada. ilalagay ko pa sana yung cheer kaso lang nakalimutan ko na. hehe. masaya pala ang nasa unahan ng pila. dahil nakakasama sa picture picture. lol. kaya un. wala lang. hehe. hindi ako nakapaglaro sa tug of war! potak. nalungkot ako dun. tsk. pero ok lang. haha. wala kaming ginawa nung araw na yun kundi ang tumingala at manood ng mga laro. tingnan ang crush ni marcy. at kung anu-ano pa. nakilala ko rin ng araw na yun ang ilan sa mga 2nd year. mabaet sila. hehe. nagpunta kami sa music station nun pagkatapos ng intrams. tapos basta. masaya na magulo. mahirap ikwento eh. basta. nagenjoy kami. first time ko nga pala na nagvideoke. tsk.
friday ~~> wala. tinatamad na ko magkwento. pero nagenjoy din naman ako ng araw na to. nanood kami ng cheering competition. at talo yung team namin. tsk tsk. aun. basang basa nga pala ko sa ulan nun pauwi na ko. bobo. haii.
happy birthday to edvy sorilla who celebrated her birthday yesterday!
wala na ko masabi.. kaya.
out! :P
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment