Thursday, September 21, 2006

=(

ako ay malungkot.

malungkot ako dahil ang celfone ko na nakumpiska ay hindi pala totoong nakumpiska dahil iyon ay ninakaw na at binenta.

ganito kasi yun. nung july, habang nanonood kami ng tungkol sa buhay ni mother theresa, nakumpiska ang celfone ko nung nagbabantay samin. pgkatapos ng klase namin, ng sabi niya na sa susunod na linggo ay makukuha ko ang celfone ko. sa kanya daw muna yun. hindi niya na ko isusumbong sa discipline office o sa kung anuman. syempre ako, katanghan, pumayag. tapos nun sumunod na linggo, ang sbai niya bago magsembreak ko na makukuha yung celfone ko sa kadahilanang nakita rw ng hed nila yung celfone ko sa sa kanya at nagalit siya dahil kinuha ko raw kasi ang sim card ko. kaya sa kanila na lang daw muna yung celfone ko hanggang bago magsembreak.

nito lamang martes, napag-alaman ko na ang lahat ng pinagsasabi niya sakin ay hindi totoo. niloloko niya lang pala ko. siya pala ay volunteer lamang sa paaralan namin. ibig sabihin, wala lang siya. hayop! kinuha niya ang celfone ko at binenta niya na. ngayon, wala na siya sa paaralan namin dahil pinaalis na siya. nakakalungkot yun, dahil matagal na sakin ang celfone na yun. marami pang nakalgay dun. ang aming mga litrato, ang mga text na sobra kong pinahahalagahan, at higit sa lahat, ang mga numero ng mga kaibigan ko. haii.

pero sa kabilang banda, ang sabi ng head nila, babayaran nila ang nakuha kong celfone. bumili na lang daw ako ng bago. at humihingi sila ng dispensa sa nangyaring yun. kaya ayun, medyo ayos na rin. dahil magkakapera ako at mkakabili ako ng bagong celfone.

~**~

happy birthday to my dear friend, alrina diego. she celebrated her birthday last monday.

i miss you na po jegz!

No comments: