Sunday, July 23, 2006

pawisan sa lrt.

wee! my friends (jon mark, vivian, klarisse, jeff) and i saw each other yesterday. that meeting was not planned. lol. biglaan lang ang lahat. nagpunta lang si jon mark sa manila kasi magpapaservice siya ng kotse niya. nagpunta naman si bibi sa manila kasi naghahanap siya ng school sa manila. sa klarisse. hindi umuwi sa batangas. kaya aun. lol.

i picked up jon mark in glorietta. takte. ang aga pa nun. hindi pa bukas ang glorietta. lol. tas. nakatayo ako sa mrt. tsk tsk. tapos aun. nagkita na kami. *talon talon* at pupunta na kami kina klarisse. nagmrt kami hanggang taft. pers taym niya ata magmrt nun. hehe. tapos. lrt hanggang vito cruz. dapat mageefx na kami papunta kina klarisse. pero buti na lang. tinext ko si bibi. at tamang-tama na nasa roxas blvd siya at gusto niya ring sumama samin. kaya pumunta kami sa sm manila at dun niya kami sinundo. lintek! nun pangalawang sakay namin sa lrt, ang init! tagaktakan ang pawis namin ni jon mark. tsk tsk. nakababa pa kasi ng vito cruz. haha. aun. nagkita-kita na kami sa sm manila. pumunta na kami ng dapitan para puntahan si klarisse. yay! *talon talon*

nagpunta kami sa sm san lazaro at nanood ng nacho libre! lol. nakakatuwa ang palabas na iyon. wala akong ginawa kundi tumawa ng tumawa. at may nakuha akong magandang quote dun. "i am the gatekeeper of my destiny." nisabi yun ni nacho. lol. ang galing talaga ni jack black umarte. haha. idol!

sabay-sabay kami bumalik sa lipa. at dun, nakita namin sa jeff. kumain muna kami sa rob dahil hindi pa kami kumakain at pagkatapos ay nagpunta sa bilyaran. napansin ko na nagbago na ang rob. nadagdagan ng department store sa baba at may david's salon na daw. haha. aun lang. nagbilyar si jeff at jon mark. at pagkatapos ay umuwi na ko sa sto. tomas.

ok. enough of this. i will do my assignment in bio now. lol.

No comments: